HAGUPIT


HAGUPIT

NI KARL PATRICK NIKKO BAELLO DELA CRUZ

(Alay sa mga biktima ng mga kalamidad at kaguluhang na dumaan sa ating bansa ngayong taong 2013)

I

Mga pangarap, tinangay ng hangin

Sa hinagap, hindi kayang isipin,

Mga kababayang tiyan ay hinahangin

At umaasa na lamang sa panalangin.

II

Ang mga magulang na umiiyak

Sa pagkawala ng kanilang mga anak,

Tanging ibig ay mabuhay ng payak

Pa’no na ngayon? Kapalara’y ‘di tiyak.

III

Sa hinaharap ano’ng inaabangan

Ng mga pamilyang walang kanlungan?

Ano’ng bukas ang inaasahan

Ng mga paslit na naiwan?

IV

Mga tangis nila’y nakakapanlumo

Mga matatandang nagsusumamo,

Tulong at pag-ahon nais matamo

Hindi bukas, hindi mamaya kundi ngayon mismo.

V

Sa panahong tayo’y nagdadalamhati

Mga pusong napuno ng pighati

Nawa’y mga buwaya’y huwag ng makihati

Dahil lamang palad nila’y nangangati.

VI

Mga sakuna’y tayo ang hinagupit

Sa Diyos tayo’y lumapit

Higpitan pa ang ating pagkapit

Mga panalangin natin sa Kaniya isambit.

VII

Ang lahat ng ito’y llipas

Para makaharap tayo sa bukas,

Pag-asang hindi kukupas

Sa pusong Pilipinong matitikas.

VIII

Tayong lahat ay babangon

Anumang sama ng panahon,

Tayong lahat ay uunlad

At magpapatuloy tayo sa pag-usad.

Mabuhay ang Pilipinas!

ROW ROW YOUR BOAT! ANG LOVE PARANG BANGKA!



Ang Love parang Bangka

Ang Love parang bangka kailangan ng dalawang tao para mabilis umusad, dalawang taong magsasagwan ng magkasama sa anumang agos ng buhay. Kung malakas ang agos, kailangan magpakatatag ang mga tagasagwan para hindi lumaki ang gawak, maraming matutulis na bato ang pwedeng sumira sa bangka, maraming alon ang pwedeng magpataob at magpalubog kaya kailangan magtulungan hanggang makarating sa kalmadong alon. Kung isa alng ang magsasagwan sa panahong malalaki at matataas ang alon siguradong mahihirapan makalampas sa ganitong uri ng suliranin. Teamwork sa love ang kailangan! Kapag kalmado naman ang alon hindi kayo dapat magpakakampante, baka may whirlpool(anu nga ba sa tagalog to?) na bigla nalang humila at sumira sa inyo. Gayundin, kapag walang problema ang alon ng buhay niyo, wala na ring THRILL baka magkasawaan kayo; magkakatamaran at mahinto ang na lamang sa isang destinasyong parehas niyo ring iiwan sa huli. Dapat mapanatiling balanse ang bangka, hindi pwedeng maging ONE SIDED lang, dapat parehas kayong magbigay ng effort para pantay at hindi kayo tumaob. Pantay at sabay din ang pagsagwan dahil kapag sumaliwa ang isa sa dalawang bangkero tiyak maiiba ang direksyon. Tiyak na bibigat at hihirap ang pag-usad marahil ay kontra ang sagwan sa agos ng tubig! JUST GO WITH THE FLOW! Darating at darating ang panahong may mapapagod sa isa sa mga bangkero, hindi dapat sumuko ang isa man sa kanila; ang isa marahil kahit gaano kahirap ay ipagpapatuloy pa rin at isang napagod makalipas ng ilan pang agos ay tiyak na mapapanumbalik ang sigla dahil sa nakita nitong pagtitiyaga ng isa. Hindi man magkaganoon maghihiwalay pa rin sila ng walang malalim ng sugat sa bawat isa. TIWALA LANG sabi nga ng mga taong kolokyal; kung wala kayong tiwala sa isa’t isa mapupuno ka lng ng takot; mapapalitan ng pag-aalinlangan ang pagmamahal, lulubog lang ang bangka! Heto ang pakatandaan: HUWAG MAMANGKA SA DALAWANG ILOG! lalao na kung hindi ka pa nakakaraos at hindi pa tapos ang agos niyo sa ilog ng kasama mong bangkero; hindi mo alam kung ligtas ang gamit mong bangka;hindi mo alam may butas na pala ang mga ito at sa huli’y malunod ka!

 

 

I’m BACCCCCCCCCCCK!


Nagbablik na ang makata ng mga kabataang Pinoy!

EUPHORIC. ♥: Wala kang love-life?


byen10:

  1. Magkakaroon ka pa ng time sa mga kaibigan. Mas maa-appreciate mo sila kasi kahit wala ka nang lovelife, ayan sila. Nananatiling paring kasama mo. Saka maganda na din ung hindi lang sa inyong dalawa umiikot ang mundo niyo. Nakakahilo yan.
  2. Tipid din sa load. Bakit? Syempre dahil wala ka…

(Source: bbyenmendoza, via bbyenmendoza)

Eto ang masasabi ko…


Don’t show so much love to anyone because it creates a non-curabLe pain when they start avoiding YOU.

Eto ang masasabi ko…


Ang LOVE parang BUS yan, kapag hindi mo pinara hindi Hihinto para sa’yo,effort dapat.
Ang malalandi parang JEEP yan, kahit hindi mo parahin hihinto yan kapag nakitang nakaabang sa Love.
#likhangmakata

Eto ang masasabi ko…


BLOCK BUSTER SHOWDOWN BETWEEN MIAMI HEAT AND DALLAS MAVS ON CHRISTMAS DAY! I CAN’T WAIT!
LET’S GO HEAT! Burn them. Bawi na!

Eto ang masasabi ko…


Nahihirapan na ako sa dalawang Majors ko, sa CREATIVE WRITING kailangan CREATIVE at IMAGINATIVE ang utak mo, tapos sa CAMPUS JOURNALISM dapat FACTUAL and ACCURATE! what.. hindi ba pwedeng puro literary nalang o creative writing nalang? ang hirap ibalanse e,naghahalo. :)

BUTI NALANG CHRISTMAS BREAK MUNA!

The Daily Hoax: MMMM


hoaxbywill:

Hindi naman siguro masama kung mag sabi ako ng mga katangian na talaga namang napapansin ko at nagugustuhan ko sa isang tao, kaya ililista ko naman ang ilan sa mga talaga namang nakakapagpastutter sakin sa pagsasalita na kung saan ibig sabihin eh ako’y humahanga.

Masarap… kausap – Ito ang una…

Eto ang masasabi ko…


Ang love parang pagbiyahe yan,hindi pwdeng 1way-ticket lang,dapat mutual,ung maibabalik sa’yo yung pagmamahal na binigay mo kse kung hindi wala kang paroroonan,magiging tanga ka lang kakahanap sa wala at maliligaw dahil maling daan ng pagmamahal ang pinili mo.